Sabado, Oktubre 15, 2011

Si Kesa at Morito

Unang bahagi: Monologo ni Morito
 Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na
dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay:
 Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng
buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat  ng buwan ay yanig at sumisindak sa akin.
Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawakas sa aking kasalukuyang sarili at gagawin
akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na ito’y namula sa
dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon!
Ang puso ko’y di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero
ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman.
 Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru
Saemonno-jo, mula’t sapul pa’y kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan ko na
asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon ang paninibugho
ko’y napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa
pag-ibig, wala akong pagkamuhi  o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya.
Nang sabihin sa akin ng tiya ko,  si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang
makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin
niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang
simple at nakakabagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang
gumuguhit sa aking labi sa kabila ng damdamin  ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa
pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang
kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay
nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan.
 Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang
baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang
aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano
ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga hangaring makalaman
kahit noong mga panahong ko’y wala pang bahid-dungis. Kung mapapahintulutan ang eksaheradong
pahayag, ang pag-ibig ko sa kanya’y hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong
nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin
kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumusunod na tatlong
taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod
na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala
nang lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na
gumigimbal sa akin, gayun man, alam kong mangyayari. Ngayo’y itinatanong kong muli sa aking sarili
“Mahal ko ba siyang talaga?”
 Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang ng Watanabe, ginawa ko ang
lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huli’y nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay 19
na makita siya, kundi inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya  ng pinapangarap ko. Sa
pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala ng pisikal ay hindi ang tanging
nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa,
napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking
hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero  ang pinakapangunahing dahilan ay
hindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang nakaupo kaming  magkaharap, natuklasan ko na
hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon.
Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na
nakukulapulan ng matingkad na pulbos , ay pinaghaluan na ng malaking bahagi ng dating kasariwaan at
makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niya’y nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging
hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malilinaw, bilog, maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa
bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng  aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang
aking mga mata.
 Kung gayo’y paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis
ko? Una’y itinulak ako ng kakatwang kagustuhan na mapangibabawan ang dating hangarin ng puso ko.
Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan niya ako ng isang eksaheradong kwento ng kanyang pag-ibig sa
kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na alingawngaw sa aking tainga. “Mayroon siyang
hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa,” naisip ko. May hinala rin ako na maaaring ito’y tulak ng
kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang
patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan. Bakit itinuturing ko iyong
kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling
kayabangan ko ang nagtulak sa akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko
maitatatwa ang inyong bintang. Ano’t anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang
ngayon, na iyon ay kasinungalingan.
 Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa akin nang mga sandaling
iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito, pinangibabawaan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta
panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na pagnanasa mismo na
ni hindi nangangailangan na ang kabilang panig  ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang
lalaking umarkila ng babae sa bahay sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang
mga sandaling iyon.
 Ano’t anuman, batay sa ganyang iba’t ibang motibo, nagkaroon ako ng  relasyon kay Kesa. O,
manapa inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa tanong na binitawan ko, hindi ko na kailangang
itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitang ibinangon ko
siya sa aking mga bisig, ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At nagmukha
siyang mas walang dangal sa akin. Ang kanyang nakasabog na buhok at nagpapawis na katawan, ang
lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang
araw na iyon, sa puso ko’y nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabi’y papatayin
ko ang isang lalaking hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng hindi ko iniibig.
 “Patayin natin si Wataru, bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang
napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya ang nakaraang hangarin
ko na hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Ano’t anuman, “Patayin natin
si Wataru,” bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng
aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang nag-udyok sa akin para
gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang paliwanag dito ay ginusto
kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa
kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga
layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang 20
kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking
binbangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko
gusto. Kung iyon ay hindi sapat para ipaliwanag  ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si
Wataru, wala nang paliwanag na sapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa mga
mortal (marahil ay demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan. Nagpupumilit at
paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoo’t ganoon ding bagay sa tainga niya.
 Sa huli’y nag-angat siya ng mukha at sinabi “Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru.” Hindi
lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon  niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa
kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil  na babae, iyon ang naging tingin ko sa kanya.
Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot  at oo, pagkasuklam. Kung
maaari lang ay babawiin ko ang pangako ko noon  din. Sa gayo’y mapangangalanan ko siyang mangaapid, at ang aking kunsensiya’y makapagkakanlong  sa makatwirang pagngingitngit. Pero hindi ko
nagawa. Inaamin ko, agad kung nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin.
Nagbago na ang kanyang anyo, na  para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa
malungkot na kalagayang pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na
paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi sa usapan. Ngayon, ang takot na
ito’y mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito
ang gawa ng isang hindi nakaaalam kung gaano  kahamak ang kanyang kalaguyo. “Kapag hindi ko
pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang
kanyang asawa at kung hindi’y papatayin niya ako,” desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa
kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitiwan ang aking pangako, hindi ba
may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang
krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitim na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang
nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi…. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking
pangako. Lagpas ito sa kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoong-totoo
ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang
iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na “ako,” para patayin ang isang inosenteng lalaki? Hindi ko
masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng…  Hindi, hindi maaari. Pinandidirihan ko siya.
Kinatatakutan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero gayunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya.
 Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay hindi na nagsalita pa. ang pag-awit ng isang balada ay
pumailanlang sa gabi.
Ang isipan ng tao ay nasa dilim, walang ilaw na makapagbigay-liwanag. Nagsisindi ito ng apoy
ng makamundong paghahangad, upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.
IKALAWANG BAHAGI: MONOLOGO NI KESA
Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang
malalim at kagat-kagat ang manggas ng kanyang kimono.
 Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang
marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating… Arawaraw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan.
Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunman’y
kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng
libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon ang aking
pananalig. Natatakot siya sa akin.kinasusuklaman niya ako’t pinandidirihan, gayunpaman natatakot siya
sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko  lang ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya. Pero 21
umaasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamakasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na
pinupukaw ng pagkamakasarili niya.
 Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang!
Hanggang noong tatlong taon na ang nakaraan ay may tiwala ako sa aking sarili, at higit sa lahat, sa
aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin na “hanggang noong araw na iyon kaysa noong tatlong
taon na ang nakararaan.” Noong araw na iyon nakita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang
sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na nasasalamin sa kaniyang isip.
Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala mo’y walang problema. Pero paano pa
maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao?
Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala
ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mga bisig ng aking tagapag-alaga, kung
ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko  nang mga sandaling iyon.
Naglahong lahat ng pangarap at pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na
madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Ngatal sa kalungkutan, sa huli ay isinuko ko ang aking
katawan, na para na ring patay,  sa mga bisig ng lalaking hindi  ko iniibig—sa mga bisig ng isang
makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri  sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking
kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa  akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang
mailibing ang lahat sa hibang na sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din
ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gaya rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng
kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili  sa kanyang mga bisig, hiyang-hiya
ako.
 Ang pagkainis at kalungkutan ay naghatid ng  walang katapusang luha sa aking mga mata sa
kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng
dangal, higit sa lahat ay nahihirapan ako’t nagdudurusa dahil ako’y pinandidirihan tulad sa isang asong
ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan.  Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang
ako’y ang pinakamalabong alaala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas.
Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong. “Patayin natin si Wataru,” at
dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang ako’y humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito,
kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla ako’t lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang
sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit hindi, hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay,
hindi ba ako – hindi ba ang isang babae’y isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng
isang lalaki sukdulang patayin niya ang sarilil niyang asawa?
 Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa
sinag ng buwan. Kailan ako nangakong makipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa?
 Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing “noon lang”.
hanggang sa mga oras na iyon, ang isip ko’y buong-buong nakatuon sa aking  sarili at sa aking
kahihiyan. Pagkaraa’y nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang
sandaling maalala ko ang kanyang mukha gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay
disidido na akong mamatay, at ikinagagalak  ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa pagiyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para matagpuan ang kapangitan kong
nasasalamin doon, dama ko’y naglahong lahat ang aking kaligayahan.Ipinagunita nito sa akin ang
kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko  kasama ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad nang
nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking
kaligyahan, Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi,
kundi dahil lang sa resonableng pangangatwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong
pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na  magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring
makapag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong 22
palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako nagpaplanong
ipinaghihiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa
akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap sa kanyang mukha na
pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at nagpalamig sa aking puso sa
matinding pagdadalamahti. Mamamatay ako, hindi  sa aking asawa kundi para sa aking sarili.
Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa pananakit niya sa sa aking puso at para sa aking
hinanakit at pagdungis niya sa  aking katawan. Ay, hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi
wala ring karapatang mamatay.
 Pero ngayo’y gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa
mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil
matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang mangyayari
kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako.  Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang
mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin?  Kapag naiisip ko na ang mga
dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako.
Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig maliwanag sa aking katawang walang ulo.
Kapag nakita iyon ng aking asawa, siya’y… hindi, hindi ko siya naiisip. Mahal ako ng aking asawa.
Pero wala akong lakas gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At
ang lalaking iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang ito’y napakaliwanag
para sa akin, akong pinahihirapan ng aking mangingibig.
 Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang
kandado, at bumaha sa loob ang mapulang sinag ng buwan.

AANHIN NINO ‘YAN ? Vilas Manwat Salin ni Lualhati Bautist

Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang
paa’y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan
ng pulitika o panitikan. Marahil,  ang kanyang talino sa pagsasangkap  sa isang masarap na luto ng
sinigang ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi
ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya dahil handa niyang pahintulutan ang
kanyang mga parukyano sa walang limitasyonng pangungutang.
 Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari
pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya “Ang dalawampung
satang na halagang matamis ay hindi ipinaghihirap ng pamilya”. Pag ang Than Khun , isang mataas
na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak:
“Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin
mong nag-aalaga siya ng baka para doon!”
         Sa iskinita ding iyon ay naninirahan  ang isang lasenggo na hilig  nang lumitaw sa kainan at
tumula ng mga berso mula sa kuwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang
taimtim ang atensyon. Pagkatapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang
may yelo, na malugod namang ipagkaloob ni  Nai  Phan, na may kasama pang  doughnut  para
kumpleto. 26
 Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapan
na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula  ngayon, puwede n’yong bitbitin ang inyong sapatos
hanggang sa aking tindahan at doon n’yo isuot”. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na
tubig para panghugas ng paa.
 Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng
mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; diyan maganda ang negosyo, mas
madali kang yayaman”.
 Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin,“Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang
mabilis”.
 Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay
Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundar
ng mas malaki pang kayamanan.
 Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi  sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi
pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig
sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa
kanilang sarili: “Ang saya-saya nilang tingnan, malaya sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti
pa sila sa amin”.
 Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisa si Nai Phan. Papadilim na
at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
 “Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas
ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni  Nai  Phan pero
nadarama niya na hindi maganda ang mga pangyayari.
 “Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat, kung anuman meron
ka. Mukhang ang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao araw-araw. Pag
pinatay kita, wala nang ispesyal d’on at pag napatay mo ‘ko, hindi na rin masyadong nakapagtataka,
kaya bilisan mo na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala”.
 Hindi nanginig si  Nai  Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi niya sa tinig na parang
nakikipag-usap lang ; “Ibibigay ko  sa’yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa’yo
dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka  nakasalalay dito’y buhay at kamatayan. Eto…
lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo  na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam?
Siguro’y may sakit ang iyong ina; siguro’y maraming araw na siyang hindi tumikim ng pagkain.
Bilisan mo; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung pag-uwi mo na may dalang
pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa… kunin mo na”.
 Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang  binatang holdaper ay tila hindi maglakas-loob na
hipuin iyon.
 “Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong
hirap na hirap ka na. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang 27
tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong
ama at kailangan mo siyang alagaan, dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero wag mong ubusin lahat
sa gamot. Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas
pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng
bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang
ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang  malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito
nananahanan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! – at
itabi mo ang iyong baril – giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril
ay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa
amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang  ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata”.
 Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata.
Itinaas ang mga kamay sa pagpupugay sa wari kay  Nai Phan, na kilala sa kanyang sinigang at kape
at pagbubukas-palad.
 “Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki.
 “Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot
ang pera sa binata. “Ito na lahat iyon. Dalhin mo, iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa
galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa  kang lalaking tulad ko,
tulad ng ibang lalaki, kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin kung
desperado”.
 Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita  nakita kailanman, at hindi pa ako nakikita
kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking
baril. Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya nang ilang ulit bago
nagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking ina’y inubos ko sa
karera ng kabayo; ‘yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-inom
 “Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkakahalong eksperimento,
pagkakamali’t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan.
 “Hindi malakas ang katawan ko, alam mo, “ pagpapatuloy ng kabataang lalaki. “Narinig mo
ba ang ubo ko? Natatakot ako na may’ron na akong T.B. Iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil
meron akong mga ginagawang masama – Dapat talagang mamatay na ako  agad-agad. Hindi ako
dapat mabuhay, pasanin lang ako ng mundo. Salamat, at Paalam!”
 Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. “Hindi ko alam kung saan ako pupunta
ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga  paniniwalaan? Hindi ko alam. Mukhang wala
nang ano pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na
ako mula nang araw na ako’y ipanganak; hindi  nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga
kapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga kamalasan ko. Ayokong
makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala  kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng
pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila
mahalin at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.
 Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y gan’on ang pakiramdam kung
minsan.” 28
 “Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa
lahat. Ang buong mundo’y parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na
mapapagkapitan o maigagalang na tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko’y
maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong
tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako ng isang linggo sa isang trabaho,
dalawang linggo, sa isa pa-hindi ako nagtatagal kahit saan”
 “Nagbabasa ka ba ng libro?”
 “Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ‘ko nagbabasa ng diyaryo ngayon. Bakit pa? Alam na
alam ko kung ano’ng laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga
lugar at mga pangalan pero ganun’t gan’on din ang mga istorya.”
 Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai
Phan” Swerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak
na papatayin kita. Ang daigdig na ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit,
mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyom at
moralidad. Hindi ako naniniwala  na dahil ang daan-daan o libu-libo ang napasama, gan’on na rin
dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na  hindi ako naparito dahil sa pera kundi para
patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko lagi kahit pa nawawalan na ng pagasa ang mundo at lumulubog na sa kailaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may
matitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang gan’on ang itsura niya, kundi isang tunay na
taong nilalang. Alam niya kung paano magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang
ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pananaligan iyon dahil wala pa kong nakitang gan’on. Sa loob
ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakita ako ng isang tao na  hindi pa naging buktot
kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para
magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay.” Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong gan’on.
Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi ako ngayon.
Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng
buhay na gusto kong tuntunin.”
 Mukhang nagiging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at
pagkaraan, naalaala niya, inilabas niya ang baril, iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
 “Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang
lalaki na magdala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang
baril. Ang mga bandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laging
gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nila’y maaaring sumalakay sa kanila nang wala
silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang
tao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.”
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito:
“Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril. “Yan ang
kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.” 29
 Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko na si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin
ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan
niya ng bagong pansala ng kape
---W   A   K   A   S---

Tahanan ng Isang Sugarol (Maikling Kwento – Malaysia) Salin ni Rustica Carpio

ANG MAPUTING ULAP sa maaliwalas na langit ay matingkad na
nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na pupunta sa kanluran ang
lumulubog na araw.
Kasamaang dulot ng sugal sa buhay ng
mag-anak
Nagiging
dahilan ng
paghihirap
ng buhay
Sanhi ng di
pagkakaunawaan
ng mag-anak
Napapabayaan
ang mga anak
Nagiging
dahilan ng
krimen
Minsan
nakatutulong
sa kabuhayan
ang perang
napanalunan
sa sugal
 Dahil tapos nang maglaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng
balon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing
lumilipad sa harap niya, gusto niyang mawala ang mga bituing nakahihilo.
 Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na
nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig.
 “Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si Ah
Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon.
Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang
tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga
labada at isampay sa mga alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng
kubong walang dingding.
 Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo
pa rin at nakapikit – nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga
beinte singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na  sam-fu. Medyo
nakangiwi ang kanyang mga  labi. May pangit at nangingitim na bukol sa
kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan
lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at
malapit nang manganak.
 Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at
isa-isang isinampay ang mga damit sa  alambre. Dahil mataas ang alambre,
kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na
katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit sa
alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, magiingat ka. Baka ka mahulog!”
 “Opo!” sagot ni Ah Yue. Bigla itong pumihit, nangangambang tumingin
at nagtanong, “Inay, luto na ba ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at
bubugbugin na naman tayo ni Itay!”
 Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang
kinabahan. Kahit mayroon  pang kaning lamig na natira sa pananghalian,
lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain pag-uwi  ang asawa niyang
sugarol, tiyak na may  mangyayari. Hindi sinasadya’y nahipo niya ang
namamagang bahagi ng noo. Tumahip  ang kanyang puso. Nagmamadali
siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungan si Siao-lan sa
paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang balde ng tubig at kinarga
ang mga ito sa pingga pauwi.
 Ang nakalihis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa  kanyang
katawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa
pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Sioa-lan na naglalakad sa
kanyang likuran, palinga-linga. 21
 Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya
puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinidihan ang apoy sa pugon,
hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang
kasangkapan sa kusina.
 Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa
tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman.
Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha
ng panggatong. Tumulong si Siao-lan  at may dalang isa  o dalawang piraso
tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.
 Abala sa gawain si Lian-chiao. Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa
apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisi sa
kanya. Mula alas sais ng umaga,  nang bumangon siya  para maghanda ng
almusal, hindi na siya natigil sa  paggawa hanggang ngayon, maliban sa
sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umaga’y  nanguha siya ng mga
punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy
na panggatong at namitas ng  ta-feng-ho, isang damong panggamot na
gagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol
at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga
kailangan, anong mangyayari  sa bahay kung bigla na lang siyang ipasok sa
ospital? Walang alam ang  sugarol niyang asawa kundi humilata sa  kama sa
kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung
hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino  ang tutulong sa
kanya? Bukod sa gawaing bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga
gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng bahay, at bunutin ang ligaw na damo.
Kung hindi ay bubugbugin siya ng kanyang asawa kapag naging masama ang
ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na
ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin ito.
 “Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong
bahay ay napuno ng bango ng nilulutong gulay.
 Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi at
tinitingnan ang nakatatandang kapatid na nakatayo pa rin sa kwadradong
bangko sa labas.
 Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na
nagbuhat sa labas ng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot na mahulog diyan?
Ang taas ng naakyat mo, ha? Gusto  mo na bang dalawin ang hari ng
kadiliman?”
 “Itay… nagsasampay lang ako…” kiming sagot ni Ah Yue.
 Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang kawayang lalaki ang pumasok sa
bahay at sandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang
hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?” 22
 “Sandali na lang maluluto na… ipiprito ko na lang ang inasnang isda.
Pagkatapos… pagkatapos ay puwede na tayong… maghapunan.” Walang lakas
ng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato
ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa
kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay habang hinuhugasan ang
inasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang
asawa..
 Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na
manghihitit ng opyo; payat at matangkad, may maiitim na ngipin at
namumulang mga mata. Matapos na nakapamaywang na sigawan ang bawat
isa, nagsimula siyang maghubad at marahas na nagtanong, “handa na ba ang
tubig na pampaligo?”
 “Ihahanda ko na ang tubig, ihahanda ko na…”
 Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng
kumukulong tubig sa isang balde na  kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay
binuhat iyon ng dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko
siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi
ang maputla niyang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawalang-pagasa.
 Sumagitsit sa kawali ang inasnang isda dahil sa init ng mantika.
 “Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal
mong kumilos. Wala kang alam kundi kumain” Walang tigil sa pagmumura sa
asawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa banyo.
 Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot.
Hindi sila naglakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka
natalo na naman sa sugal si Li Hua.
 Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang namamantikaang nguso,
kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at
pagkatapos ay “pwe!” lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang
malapot na laway sa sahig.
 Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na
kumakain pa, ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, “Ama ni Ah
Yue, aalis ka na naman? Ako’y…”
 “Ano? Hindi ako aalis? Napakalakas ng boses ni Li-Hua . “Natalo ako ng
beinte dolyar ngayong hapon  sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako
babalik para mabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi
hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!”
 “Pwede bang bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng
dalawampung itlog kay Ying… malapit na akong manganak. Kailangan bumili 23
ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.” Minamasdan ni Lian-chiao ang
malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses.
 Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li
Hua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya
ang bibig, ipinakikita ang dalawang  hanay ng bungi-bungi at maiitim na
ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili  ka ng masarap na
pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo
kayang magbayad?”
 Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbang
ang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.
 Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na
bibig, natitigilan at hindi makakilos.
 Mahangin at maginaw nang gabing  iyon. Habang nakahigang walang
tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao.
Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na pagod siya at mabigat na ang
mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang
kanyang isip.
 Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na
pumapailanlang sa lambak, naaanod, naaanod – kasinggaan ng usok. Sa lahat
ng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang
namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo, kaagad pinag-asawa
nito ang tila bulaklak na anak niya – si Lian-chiao na kinse anyos pa lamang
noon. At ang masama pa,  sa kasabikang magkaroon  ng mainam na buhay sa
pagtanda niya, at laban sa payo ng mga  kamag-anak at kaibigan niya para
maging manugang si Li Hua na anak  ng noo’y isang mayamang negosyante.
Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lianchiao at lumipat ng bahay, ang ina’y namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya
malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang
katahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito?
 Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang
mga mata dahil sa luhang napigil sa pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa
isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang si Li Hua .
Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo:
pagsusugal, paglalasing, paghitit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwan…experto
siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang
pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na
pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa
kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang
pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ng
pakikitungo niya kay Lian-chiao. 24
 Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi
makatwiran at kung minsan, ay malupit  na pakikitungo nito sa kanya. Kung
nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat
agad iyon, at luluran siya sa mukha mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ng
pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung
gusto mong lumayas, puwede ka nang umalis ngayon din. Alis! Alis! Sinong
pumipigil sa iyo?
 Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling.
 Nasipa na nina Ah Yue at Sioa-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog
ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa
kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na
siyang manganak. Makukunan  kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng
kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay –
kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa
lang ang nakararaan ay bumagsak  siya habang nagsisibak ng kahoy na
panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naaapektuhan ang bata sa loob ng
kanyang tiyan? Halimbawang  malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang
mag-aalaga sa dalawa niyang anak na babae? At kung maayos siyang
makapanganak, ano ang mangyayari kung iyo’y babae na naman? Hindi kaya
siya palayasin ng kanyang asawa? Ang inam sana kung sa pagkakataong ito’y
lalaki naman ang isilang niya. Sa  gayon ay hindi na siya gaanong
pagmamalupitan ng asawa niya. Kahit papaano’y gaganda na ang hinaharap.
Alam na niyang habang buhay nang magiging miserable ang kanyang buhay.
Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kanyang mga anak. Malupit ang
buhay.
 Unti-unti, nagdilim ang paningin ni  Lian-chiao. Inaantok na siya. Pero
biglang naging kakaiba ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit na
iyon.
 Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sa
bahay ang asawa niya!  Ano ang gagawin niya  ngayon? Naisip niyang
papuntahin si Ah Yue sa Hsiang Chi Coffee Shop para sunduin ang kanyang
ama, ngunit nang makitang nahihimbing ng tulog si Ah Yue, nag-atubili siyang
gisingin ang bata. Naisip niya: hindi ba si Ah Yue ay nagdaranas din ng hirap
sa buhay tulad niya? Bagama’t bata  pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng
mabibigat na bagay at gumagawa ng trabahong para sa matanda lamang. Bakit
hindi bayaang matulog muna siya?  Bukod doon, mahangin  sa labas. Kung
gigisingin niya ito at palalabasin, tiyak na sisipunin ito. Kung magkasakit si
Ah Yue, sino ang mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga kay Siao-lan?…
Wala nang malamang gawin si Lian-chiao. 25
 Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis ang
palad niya.
 Wala na siyang magagawa. Nagpumilit siyang bumangon. Hawak ang
isang gasera, nagpasiya  siyang magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop para
hanapin ang asawa.
 
 Pagbukas niya ng pinto,  nahagip siya ng malakas na hangin. Nanginig
siya at halos mamatay ang ilaw niya.  Isinara ni Lian-chiao ang pinto at
mabagal na lumakad papunta sa kapihan.
 Bagamat hindi kalayuan sa bahay nila Hsiang Chi, sa katayuan niya’y
parang kung ilang milya ang layo noon.
 Walang buwan nang gabing iyon, iilang bituin ang kumikislap sa langit.
Napakadilim at walang makikita sa lampas sa sampung yarda. Basa ng
panggabing hamog ang daan at madulas.
 Idiniin ni Lian-chiao ang kaliwang kamay sa kanyang tiyan, umuusad ng
mga dalawa o tatlong hakbang. Sa malamlam na ilaw, ang mukha niya’y
ninenerbiyos sa sakit at butil-butil na pawis ang tumutulo mula sa kanyang
noo.
 “Kokak, kokak…” umiiyak ang mga palaka sa pilapil sa gawing kaliwa
ng maliit na kalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan
ng gabi.
 Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera.
Si Lian-chiao, at ang lahat ng bagay sa kanyang paligid, ay dagling nakulong
sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi rin makaurong. Ilang sandali
siyang tumayo roon, walang tinag at  hindi malaman ang gagawin. Parang
hinihiwa ng isang matalin na kutsilyo  ang tiyan niya. Natutuliro siya at
nahihilo. “Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri,
nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari.
Sinapo niya ng dalawang  kamay ang kanyang ulo,  nagpupumilit na manatili
siyang nakatayo.
 Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao,
at unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli,
mabagal, hindi matatag.  Kung ilang beses na halos  madapa siya dahil sa
madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit.
Tatayo siya, yuyuko nang mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunit
ilang sandali lamang.
 Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop.
Napakaliwanag sa loob at maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa
mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa… 26
 Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao  ang kaliwang kamay at kumatok sa
pinto.
 Marahil ay buhos na buhos ang isip  ng mga tao sa pagsusugal, o baka
naman napakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto.
Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya nang buong lakas.
 Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may
ari ng kapihan. Si Lian Chiao na nakasandal nang husto sa pinto ay bumagsak
sa loob.
 Noong una ay nagulat ang matabang  babae sa biglang pagpasok niya.
Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae, maliksi niya iyong tinulungan
at inakay papasok.
 Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa, ay namangha rin sa biglang
pagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong,
“Anong nangyari? Bakit gabing-gabi na’y narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red
Center ba ‘yon” Ha! Maganda!” Magaganda ang pitsa niya at medyo
ninenerbiyos siya, matamang nakatingin sa mesa.
 Tinulungan ng maybahay ng towkay  si Lian-chiao na maupo sa silyang
rattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan,
humahalinghing. “Ang tiyan ko… masakit…dalhin agad… dalhin ninyo ako sa
ospital…”
 “Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang
galing! Ang gandang pitsa nito. Ito  talaga ang kailangan ko. Ha, ha!
Quadruple! Unang apat, pangalawang apat…Isang libo dalawandaan at
walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!”
 Malaki ang panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang, ngunit
ngayon ay isang bunton na ang nasa harap niya. Tuwang-tuwa si Li Hua at
hindi niya mapigil ang katatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim na
bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong
nakaupo sa harap niya.  “Ha,ha, Lumpong Chun!  Napakagaling nitong
siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha,ha…”
 “Ai-yo…yo…”
 “Hoy, lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!”  May humimok
kay Li Hua.
 Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para
sa kanya. Galit na tiningnan niya si Lia-chiao at nag-aatubiling tumayo.
Pumayag ang maybahay ng  towkay na ipaarkila sa kanya ang Morris Minor
nito sa dalawang dolyar bawat oras at dodoblehin sa gabi.
 Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua,
na umuungol pa, ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. 27
 Bagamat hindi na gaanong humihilab  ang tiyan, balisa si Lian-chiao.
Bigla siyang nakakita ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang
kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon,
ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa
sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.
 “Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!”
Lumabas sa kotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi
malaman kung ano ang gagawin.
 Humagulgol ng iyak si Siao-lan…kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.
 Habang pinapahiran ang luha at ilong, marahang nagsalita si Ah Yue,
“Nagising ako sa iyak ni Siao-lan.  Hinahanap niya ang  Nanay. Hindi ko
makita si Nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya
rito…”
 Nang malaman ni Ah Yue na pupunta sa ospital ang kanyang ina, kumibot
ng kaunti ang ilong niya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan
ang mga mata niya.
 “Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Aalagaan mong mabuti
ang kapatid mo. Uuwi ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw.
Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay ninyo…” Habang inaaliw si Ah
Yue, napaiyak na rin Lian-chiao. Hindi niya makayang isipin na aalis siya ng
ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga
sa kanila.
 Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid, at sa pagitan ng mga hikbi,
“Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay
na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin
ko iyon para magamit mo muna…”
 Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya
makapagsalita dahil sa pag-aalala.
 Lumabas si Li Hua. Kinagalitan  ang dalawang bata gaya ng dati.
Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.
 Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng
pitsa, “Khe-ta…khe-ta…” at paminsan-minsan ng malakas na pung!
 Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang hihip ng
hangin. Isang munting ilaw  ang mabagal na kumilos sa daan. Si Ah Yue,
pangko sa likod ang umiiyak at inaantok  na kapatid, mabagal at atubiling
naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay….

Plop! Click! Ni Dobu Kacchiri

Mga Tauhan:
KOTO
may kapansanan  di-pinababayaan
kahit  kabuhayan 6
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN
KOTO         :               Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si
                                    Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI  :               Nariyan na!
KOTO         :               Nasaan ka?
KIKUICHI   :              Heto na ‘ko.
KOTO          :              May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong      
                                    hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko.
                                    Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin.
                                    Ano sa tingin mo?
KIKUICHI   :              Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.
KOTO          :              Ano pang hinihintay natin kung Ganoon. Maghanda ka ng sake.
KIKUICHI   :              Ngayon din, Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO          :              Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI   :              Nakahanda na ako.
KOTO          :              Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang
                                    dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero
                                    ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam
                                    bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI   :              Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag
                                    nararamdaman mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit
                                    tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO          :              Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang
                                    lungkot dito.
           
KIKUICHI   :              Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO          :              Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan
                                    ang pakiramdam ko.
KIKUICHI   :              Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO          :              Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka  na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento.
                                    Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?        
KIKUICHI   :              Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na
                                    lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa
                                    akin ‘yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob.    
 
KOTO          :              Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo
                                    ang isang berso.        
KIKUICHI   :              Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO          :              “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at  nauwi sa isang malaking
                                    giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga
                                    mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong
                                    nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na
                                    pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan,
                                    at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at
                                    pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa
                                    duguang baba, ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-
                                    habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa
                                    kapatagan!…”
KIKUICHI   :             Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO          :             Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin!
KIKUICHI   :             Sige lang, sumusunod ako.
KOTO          :             Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito
                                   nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI   :             Iinsayuhin ko itong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO          :             Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo”. Gagawin kitang isang
                                   “Koto”.
KIKUICHI   :             Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO          :             Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa
                                   dagat.
KIKUICHI   :             Oo nga, pakiramdam ko’y dagat nga ‘yon.
KOTO          :             Kailangan nating tawirin ito. Ano’ng dapat nating gawin?
KIKUICHI   :             Ano nga bang dapat nating gawin? 8
NAGDARAAN:         (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil sa may lalakarin ako sa
                                    kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko?
                                    Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila
                                    magagawa ‘yon? Titigil muna ako rito at panonoorin sila pansumandali.
KOTO          :              Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI   :              Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO          :              Malalim doon.
KIKUICHI   :              Malalim na malalim doon.
KOTO          :              Subukan mo sa ibang direksyon.
KIKUICHI   :              Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO          :              Mababaw doon.
KIKUICHI   :              Mukha ngang mababaw doon.
KOTO          :              Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI   :              Pero amo, teka muna sandali.
KOTO          :              Bakit?
KIKUICHI   :              Sandali, bubuhatin ko kayo.
KOTO          :              Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.
KIKUICHI   :              Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan
                                    ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO          :             Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
                                   Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI   :             Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat
                                   ko kayo sa aking likuran.
KOTO          :             O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero
                                   kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
KIKUICHI   :             Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN:        Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa
                                   pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang

Kay Estella Zeehandelar (Panitikang Indonesian) Mula sa mga liham ng isang Prinsesang Javanese Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Japara , Mayo 25, 1899
 Ibig na ibig kong makakilala ng isang  “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap
na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at
kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
 Buong  kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip
ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga katutubo, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na
babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
 Kung pahihintulutan lamang ng  mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang aking sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaring suwayin. Balang araw maaring lumawig ang tali
at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa  ang panahong iyon. Alam ko, maaring dumating iyon,
ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at
batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit  nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at
kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga
kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng
paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong
iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay  pa sa alinmang lumang
tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng
buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang
puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa
akin nang buong pagsuyo?
 Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong- silang na
Europa ay nagtutulak sa aking maghangad ng mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong
musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon;” may isang naiibang
kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para
hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang  paghahangad na makatayong  mag-isa. Ang puso ko’y
sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin
kong magising ang aking bayan.
 Patuloy na lumalapit ang mga tinig na galing  sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa
aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
 Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki
at babae. Ang lolo kong Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng
pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat  – ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak
niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o
umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng
pagpapalaking nagisnan nila mismo.
 
          Karamihan sa mga pinsan ko’t nakakatandang kapatid na lalaki ay  nag-aral sa Hoogere-Burger
School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa Java. Ang bunso sa
tatlong nakakatandang kapatid kong  lalaki’y tatlong taon na ngayong  nag-aaral sa Netherlands, at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya
nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang
tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang  pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang
lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas
man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saanman, liban lamang kung sa
paaralan, at ang tanging lugar  ng pagtuturong maipagmamalaki  ng siyudad namin na bukas sa mga
babae ang libreng grammar school ng mga European.
 Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang
“ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang
mundong hindi ko na makikita marahil liban kung  kasama ko na ang mapapangasawang estranghero,
isang di-kilalang lalaking pinili  ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko
namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago
ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit
wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man
ang mundong nasa labas.
 Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras.Ang tanging kaligayahang naiwan sa
aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi
naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo
sigurong nawalan ng kabuluhan ang  buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t
tagapaligtas – ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa
paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mag pintong
mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at
ipinasok ang mga inanyayahang panauhin
 Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa
Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong
bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayring nagpabalik sa aming mga babae ng mga
nawala naming kalayaan.  8
 Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga  sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna
Wilhemina ng Netherlands), “opisyal” na inihandog sa amin ng  mga magulang namin ang aming
kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at
pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng
mangyari noon. Nasindak ang “mundo;” naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang
nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang
yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas
malayo. Wala akong hangaring makipamista, o maglibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad
kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong maging malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi
para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
 Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob
ng isang katutubong babae sa kayang pamilya.
 At ang pag-aasawa para sa amin, mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At
paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor
para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa
kanya lang?

Appreciating the use of Imagery and Poetic Devices

Imagery is a language that appeals to the senses.it refers to words and phrases that create vivid sensory experiences for the readers while the majority of images are visual,Imagery may also appeal to the senses of smell,hearing,taste,and touch.In poetry,the use of imagery adds rhythm and beauty to the lines of a poem 
imagery is one of the more commonly used poetic device.


Sound Devices
  1. Alliteration-repetition of initial consonant sounds.
  2. Assonance-repetition of vowel sounds.
  3. Onomatopoeia-use of words which imitate sound.
  4. Rhyme-the similarity of ending sounds existing between two words.
  5. Rhyme scheme-the sequence in which the rhyme occurs.the first end sound is represented as the letter "a" the second "b" etc.
  6. Repetition-the recurring of words,phrases,lines or stanzas.
Figurative Language
  1. Simile-a comparison between two objects using a specific word of comparison such as "like" "as" or "than".
  2. Metaphor-a comparison between two objects with the intent of giving clearer meaning to one of them.
  3. Personification-a figure of speech which endows animals ,ideas or inanimate,objects with human traits or abilities.
Metrics
  1. Meter- the recurrence of a pattern of stressed and unstressed syllables.
  2. Stanza-a grouping of two or more lines of a poem in terms of length,metrical form,or rhyme scheme.
Point of View
Point-of-view the author's point of view concentrates on the vantage point of the speaker or "teller" of the story or poem and tells it from his/her perspective (uses I)
3rd person Limited-the speaker is not part of the story,but tells about the other characters though limited information about what one character sees and feel.
3rd person Omniscient-the speaker is not part of the story but "knows"and describes what all characters are thinking.